BigMacBlogger

Sammerr Be-kesh-Yon!

Pebrero 1, 2008 · Mga Puna

Pebrero na… ilang tulog na lang at Marso na! (labo)

Malapit na naman ang summer vacation ay mauuso na naman ang walang katapusang liwaliw, bulakbol, outing, out-of-town, panandaliang-aliw, at para sa ating mga manggagawa, mga nakaw na sandali. Ngayong taon, nais ko sanang magawa ang sumusunod:

1. Bumalik sa Camiguin. Walang katulad, at wala nang hihigit pa.

2. Tahakin ang Pagudpod. The sosyalan beach of the North. Okay daw sabi ng mga pinsan kong nakatira halos isang kilometro lang ang layo mula sa lugar na ito! Syete, kailangan makipagreunion sa kapamilya sa Ilocandia ng makatikim naman ng libreng dagat pangmayaman!

3. Mamili uli sa Tabuan market. Ito ang malupet. Isang oras akong namili ng daing noon sa Tabuan sa Cebu, at buong katawan ko ay nangamoy daing na. Nagwalk-out pa ang katabi kong pasahero sa eroplano at nagdemand ng bagong upuan. Dyahe! Ang solusyon, nagsponge-bath ako sa restroom, gamit ang tatlong pakete ng Baby Wipes. Paglabas ko amoy bagong-linis na pwet naman ako.

4. Kumain ng buko pie sa Laguna. Pangarap kong bumaba sa may highway ng Laguna at bisitahin ang magkakatabing tindahan ng buko pie upang sumample ng kanilang paninda. Daig ko pa siguro ang isang hari pagnagkataon at daig pa ng nagkagulong Hukbalahap ang tiyan ko sa dami ng buko’t gatas na pupuno dito. Hay sarap.

5. Makita ang Manila Ocean Park. Excited na ako sa pagbubukas ng Ocean Park sa likod ng Quirino Grandstand. Ano kaya ang kulay ng tubig ng mga aquarium doon? Black? Gray? Charcoal? At ano naman kaya ang mga makikita doon? Aruwana? Janitor Fish? Tilapia? Tambakol?

6. Makarating sa Boracay. Aminado ako, di pa ako nakakarating ng Boracay. Balita ko ay maganda daw. Sana maganda pa nga siya. Sana makadalaw na ako doon.

7. Magpapayat katulad ni Richard Gutierrez. Sa ngayon medyo nasa Raymond Gutierrez pa ang katawan ko, o baka malala pa (yikes!). Sana ngayong taon, matupad na.

Eh kayo, anong balak nyo?

Mga Kategoriya: McLibot · McPlano
Minarkahan: , , , , , , , , , , , , ,

2 sumagot sa ngayon ↓

Mag-iwan ng Puna