Totoo nga, inextend ng Starbucks ang kanilang Christmas Planner promo. Ngayon isa na siyang, “Parang awa nyo na, i-claim nyo na ang mga natitirang planners” promo. Kahit saang branch yata na nadadalaw ko ay may mga planners pang available “up for grabs”.
Naalala ko tuloy same time last year. Hindi ako nakasali sa tinaguriang ‘gastos-of-the-season’ promo. Daming na-hook sa pakulong ito na ‘waitlist’ ang karamihan ng mga nagclaclaim… ganun siya naging kapatok. Ngayon, wala lang, di siya mabenta. Bakit kaya?
Nakakainis lang kasi nagtyaga akong mangolekta ng stickers na at talagang nagmadaling gumastos para lang makakuha. Tapos ngayon pwede na, kahit pagdugtong-dugtongin na ang cards, kahit hindi na Christmas blend… ang cheap naman ng kinalabasan.
Parang gusto ko tuloy magpadialysis, papalinis ko ang dugo ko na kalahating porsyento ay Iced Toffee Nut Latte na.
1 tugon sa ngayon ↓
MARU // Pebrero 1, 2008 Sa 3:55 umaga
uy meron ako nyan!
siempre naman mas malamig na sa iced toffee latte ang pakulo nila kasi ba naman eh Pebrero na kaya.