BigMacBlogger

Panooring pambata: ala-ala ng nakalipas

Enero 28, 2008 · Mga Puna

 Image hosting by FroggyPic.com

Maaga akong nagising kanina kahit hapon pa ang duty ko ngayon. Hindi na ako madalaw uli ng antok kaya naisipan kong manood na lang ng TV. Nagulat ako dahil “Remi” ang palabas sa ABS. Matagal na panahon na nung una kong napanood ang cartoons nay un pero parang alam na alam ko pa rin ang storya. Naalala ko tuloy magmula ng grade school ako nang mauso ang mga cartoon series na hango sa mga classic stories noong unang panahon.

Sumunod ang “Cedie, ang munting principe” na talaga namang tumatak sa lahat ng mga Pinoy kids at kids-at-heart na siyang naging biggest break ng noo’y batang si Tom Taus nang isa-pelikula ito. Napareminisce tuloy ako sa aking kabataan at sa mga cartoons na naenjoy kong panoorin kasama ang kapatid o mga kaibigan:

Cedie, Ang Munting Prinsipe
Pati nanay ko noon ay nanonood din nito tuwing hapon pagkagaling ko sa eskwela. Sa sobrang bait ni Cedie sa tingin ko ay kung sa panahon ngayon siya nabuhay ay pinagtripan na siya ng mga bullies, o di kaya’y naging silahis na siya sa sobrang good-boy niya.

Princess Sarah, ang Munting Prinsesa
Ilang batang babaeng kaibigan ko na ang naging ubod ng maldita sa paggaya kay Lavinia simula ng ipalabas ito. Nauso rin ang mga laurang may pangalang “Emily” at ang paglalaro ng kunwa-kunwarian. Kahit na ginawa na nilang telenovela ang cartoon na ito (kung saan sumobra ang paggiging brutal ng gumanap na Minchin) ay di pa rin mawawala ang imahe ni Sarah na maitim na buhok at payat na mga braso ngunit nakakapagbuhat ng basket na puno ng gulay na mas malaki at di hamak na mas mabigat pa sa buong katawan niya.

Peter Pan
Sino ba ang makakalimot sa makukulit na Bugoy at ang mananahing si Smith? Ito na yata ang isa sa pinakamahabang cartoon series na napanood ko, at kahit na ilang beses itong pinaulit-ulit ay tinatangkilik ko pa rin. Hindi rin naging starring role dito si Peter dahil sa kakupalan ng mga kapatid ni Wendy na parating nakaeksena sa cartoons na ito.

Trapp Family Singers
Akala ko noon tomboy si Maria dahil sa kung paano siya magkikilos sa cartoons na ito. Ang hindi ko alam (hanggang sa mapanood ko ang pelikula na to) ay isa pala siyang babaeng gaslaw. Makakalimutan ba ang makasaysayan nilang kanta na, “O lee yah… O lee kee keeah O lee koo koo!” (o kinakanta mo na…) at si Governess Matilda na ang ilong ay mas malaki pa sa plansta.

Remi
Lahat ng kadramahan sa buhay ay naranasan ng babaeng ito. Talo pa si Annaluna at Mara ng MaraClara. Kung nagkataon lang na may lotto na nung panahon na iyon at tumaya sila ni Jollikor, malamang ang Teatro Vitalis ay nakabuo pa ng “Vitalis live on Ice!” show.

Swiss Family Robinson
Nuknukan ng kaepalan ang batang babae na bida dito. Lahat ng payo ng nanay ay sinusuway at masyadong pasaway. Kung ako ang magulang nito, hahayaan kong lapain ng mga oso ang batang ito ng matigil na ang kasutilan. At ang nanay, kung maaalala nyo, ay may boses na siya ring boses ng karamihan ng mga babaeng dubbed ang boses sa pelikula.

Adventures of Tom Sawyer
Isa si Indian Joe sa mga cartoons na kinatakutan ko sa buong buhay ko. Dito ko rin natutunan ang pagiging tamad sa gawaing bahay at pagtakas sa nanay sa tuwing may utos ito. Ayos…

Heidi
Si Heidi na mababaw ang kaligayahan at may nakatattoong bilog na blush sa pisngi ang isa sa mga pinakanakakairitang bata na nakilala ko.

Dog of Flanders
Ito na yata ang pinakapaborito kong cartoons noon dahil sa ganda ng drawing sa bawat eksena. Maganda rin ang storya kasi hindi siya katulad ng iba na puro saya-saya lang, actually bihira lang ang eksena dito masaya ang mood ni Nelo.

Ayoko na tuloy magduty tonight dahil may Von Trapp Family Singers at Swiss Family Robinson pa pala. Kung sana may binebentang tagalized na DVD nito, papakyawin na lang at magrereminisce pa lalo ng aking kabataan.

Mga Kategoriya: McTV
Minarkahan: , , , , , , , , , , ,

4 sumagot sa ngayon ↓

  • MARU // Enero 28, 2008 Sa 6:29 umaga

    hmmmn…parang ayaw ko mag comment dito kasi mapaghahalata ang edad ko neto.

    ang totoo, nanonood pa rin ako ng mga nabanggit mong palabas hanggang ngayon sa ABS-CBN…parang di yata ako nagsasawa. isip-bata pa siguro ako hanggang ngayon. charot!

  • bigmacblogger // Enero 28, 2008 Sa 6:42 umaga

    Ganun? Wahehehe..

  • lilmiz // Enero 28, 2008 Sa 6:47 hapon

    haha natawa naman ako sa sinabi mo tungkol ke heidi.. napapanood ko din mostly mga yan :D madami dvd sa quiapo pero kelangan talagang tagalized? lolz

    na-add na nga din pala kita sa links ko :D

  • bigmacblogger // Enero 29, 2008 Sa 12:16 umaga

    lilmiz: kakaiba kasi ang batang ito, ang tambok pa ng paa parang sapatos na hahahaha!!! syempre kailangan tagalized para maintindihan ko ng ng todo, lalo na pag namamangha si Heidi sabay bigkas ng, “haaa?”

Mag-iwan ng Puna