Bakit kaya may mga taxi na nakahazard sa paanan ng Southbound lane ng GMA Kamuning MRT Station na kunwaring nakapila para mag-antay ng mga pasahero pero tinatanggihan naman ang lahat ng gustong sumakay? Weird? Exactly!
Pagod na pagod ako paglabas ng tren sa Kamuning mula Makati. Oras kasi ng uwian kaya siksik na siksik ang mga tao sa loob. Literal na nakadikit ang mukha ko sa aking kanang kili-kili dahil sa kakarampot na espasyong naiwan para humawak sa steel bar sa itaas ko. Buti na lang ugali kong magdeodorant pagkatapos maligo kaya kahit papaano ay mabango pa rin ang naaamoy ko. Lukot na lukot ang damit ko at amoy pawis ng kung sino-sinong tao. Sarap…
Pagsilip ko sa may hagdan nakita ko ang pila ng taxi na nakaabang… ayos! Hindi na ako mahihirapan. Kaso lang, kada banggit ko ng destinasyon ko, umiiling sila, pinapalipat sa sususnod na nakapila. Pakshet! Sa Napoli’s lang ako pupunta pero ayaw pa rin nila akong ihatid!!! And to think ang Napoli’s ay nasa Jamboree Circle lang na halos wala pang dalawang kilometro mula sa estasyon! Pakshet talaga!
So ayun, magsusumbong na dapat ako kay “Mamang Pulis”, kaso busy soya sa kausap niya na nakapila sa Lottohan habang lumalaklak ng balot. Ayos talaga… kaya ang ganda sa Pilipinas eh. Buti na lang may dumaan na taxi, huminto sa harap ko at sinakay ako. Di bale nang umuugoy ang upuan ko sa kalumaan ng sasakyan, ang importante ay nakarating pa rin ako. Hay…
Kaya calling GMA7, imbis na yung paulit-ulit na nakakarinding bangayan nyo ng ABS tungkol sa pesteng ratings na yan, sana mapansin nyo rin ang kabuktutang nangyayari sa labas ng bakuran nyo para naman mas may saysay ang mga idinadakdak ng mga newscasters nyo.
4 sumagot sa ngayon ↓
lilmiz // Enero 26, 2008 Sa 4:27 hapon
ipa-imbestigador mo hehe. ayoko talaga sumakay ng mrt, para kang narereyp sa siksikan eh. kaya bus na lang ako kahit 48yrs sya sa edsa lolz.
Raymond Lee Quijano // Enero 27, 2008 Sa 10:56 umaga
hay… natural na lang yan dito sa bansa natin… kakaiba talaga diba?^^
MARU // Enero 28, 2008 Sa 3:23 umaga
pag nawala ang mga ganung eksena sa pang araw araw na buhay mo, isa lang ibig sabihin nyan – wala ka na sa Pilipinas! hahaha!
yaan mo, pag yumaman ako… bibilhan kita ng sarili mong MRT. Pramis!
bigmacblogger // Enero 28, 2008 Sa 4:11 umaga
Lilmiz: Oo nga, pag bus naman daig mo pa ang nagpa-self-tanning sa coat ng usok at alikabok na babalot sa’yo.
Raymond: True. Normal na siya… at sana mabago na…
Maru: wow, sarili kong MRT??? ano kayang ipapangalan ko doon? McTren? McSpeedy? McShuttle?